6 bata grabe sa sumabog na kemikal
April 8, 2003 | 12:00am
STA. MARIA, Bulacan Anim na batang babae ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang sumabog ang plastic container na kanilang napulot sa basurahan na sakop ng Don Pedro Mendoza Street, Sitio Hulo, Barangay Bulac sa bayang ito kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Jenny Apdera, 8; Art- Lyn Montecel, 6; Lyneth Servito, 7; Emelita Yanzon, 6; Ana Mae Arma, 5 at Carla Batenga, 9, na pawang residente ng naturang lugar.
Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Enrico Salapong, hepe ng pulisya sa bayang ito, naglalaro ang anim na biktima sa nabanggit na barangay nang mamataan ang 4 na plastic container at paglaruan.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, walang marka ang mga container na naglalaman ng kemikal na pinalalagay na potassium chloride at delikadong mabasa.
Bandang alas-8:30 ng umaga nang sindihan ng isa sa mga biktima ang isa sa container at biglang sumabog na nagresulta upang tumilapon ng may ilang metro ang mga bata. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended