^

Probinsiya

Karitela nahulog sa ilog: Mag-iina nalunod

-
SAN FELIPE, Zambales – Apat na miyembro ng pamilya ang kumpirmadong nasawi makaraang mahulog ang sinasakyang karitela sa malalim na ilog sa Sitio Yangil, Barangay Maloma sa bayang ito noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Elisa Capinding Dolojan, 38; mga anak na sina Oliver, 5; Nelson, 2 at Eva, isang taong gulang na pawang residente ng Sitio Banawin ng nabanggit na barangay, samantala, nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan si Nanie Antonio, 15, pinsan ng mga batang biktima.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Johnny Pascacio, hepe ng pulisya sa bayang ito, naitala ang trahedya dakong alas-10 ng gabi matapos na tumugil sa gilid ng ilog ang karitela na hatak ng kalabao.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang uminom ang kalabao sa ilog na naging dahilan para mahulog ang mga biktima mula sa sinasakyang karitela.

Nakahingi naman ng saklolo ang nakaligtas na si Antonio sa mga kinauukulan, ngunit hindi na inabutan buhay paa ang mga biktima. (Ulat ni Erikson Lovino)

vuukle comment

APAT

BARANGAY MALOMA

CHIEF INSP

ELISA CAPINDING DOLOJAN

ERIKSON LOVINO

EVA

JOHNNY PASCACIO

NANIE ANTONIO

SITIO BANAWIN

SITIO YANGIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with