4 bigtime drug trafficker, dakip
April 6, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Apat na pinaniniwalaang bigtime shabu trafficker ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang may P3 milyon halaga ng droga ang nasamsam sa mga ito sa isinagawang buy-bust operations kamakalawa sa Bacoor, Cavite.
Ang mga naarestong suspects ay sina Alberto Sarmiento ng Bagong Bayan; Gonzalo Garcia ng Dasmarinas; Albert Bataller ng Habay subdivision at Dino Cabrera ng Bacoor.
Ayon sa ulat na tinanggap ni PDEA director Anselmo Avenido Jr., bandang alas-7 ng gabi sa parking lot ng SM-Bacoor ng magkunwaring buyer ng shabu ang isang ahente ng PDEA mula sa mga suspects.
Matapos iabot ng apat na suspects ang may 1,492 kilo ng shabu sa PDEA agent kapalit ang marked money ay agad na dinamba ang mga ito.
Nakabalot sa aluminum foil na may tatak ng salitang intsik ang nasamsam na droga sa mga ito na tinatayang may halagang P3 milyon.
Nakapiit sa PDEA detention center ang mga suspect habang inihahanda ang kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am