^

Probinsiya

Task Force Davao binuo

-
CAMP AGUINALDO Binuo kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Task Force Davao alinsunod sa kautusan ni Pangulong Arroyo para sawatain ang "state of lawlessness" dito.

Sinabi ni Defense Sec. Angelo Reyes, ang TF Davao ay pamumunuan ni Col. Rodolfo Obaniana, commander ng 701st Brigade ng Philippine Army. May 450 sundalo ang ide-deploy sa Davao upang pigilan ang anumang aktibidad ng terorismo dito.

Ayon kay Reyes, ang pangunahing layunin ng TF Davao ay pangalagaan ang seguridad ng lungsod upang hindi na maulit ang pangyayari sa Sasa wharf at Davao airport na pawang pinasabog ng mga terorista.

Samantala, ilalatag din ng PNP ang Integrated Security System (ISS) sa mga pangunahing sea ports sa bansa at mga establisimento ng pamahalaan para hindi na maulit ang naganap na pambobomba sa Davao na kagagawan ng mga terorista. (Ulat ni Joy Cantos)

ANGELO REYES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DAVAO

DEFENSE SEC

INTEGRATED SECURITY SYSTEM

JOY CANTOS

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE ARMY

RODOLFO OBANIANA

TASK FORCE DAVAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with