Lola, 8 pa dakip sa jueteng

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Siyam na jueteng personnel kabilang ang isang lola ang inaresto ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito habang nagpapataya sa nasabing sugal.

Ang mga nahuli sa aktong nagpapataya sa jueteng ay sina Gloria Velez, 50; Romeo Reyes, 27; David Tambol, 30; Richard Buenaventura, 29; Jun Simon, 27; Roy Banahaw, 29; Rowena Cubol, 35; Julius Ramos, 42 at Juanito Lepardo, 23.

Ayon sa pulisya, pinag-ibayo nila ang kampanya laban sa jueteng gaya ng kautusan ni DILG Secretary Joey Lina sa bawat bayan sa kanilang lalawigan.

Nahuli ang nasabing mga suspects sa aktong nagpapataya ng jueteng sa magkakahiwalay na bayan sa probinsyang ito.

Kakasuhan ng paglabag sa anti-gambling law ang mga naarestong jueteng personnel. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments