6 counts ng rape isinampa kay Dennis Da Silva

ANTIPOLO CITY – Sinampahan kahapon ng 6 counts ng rape sa City Prosecutor’s Office ang aktor na si Dennis da Silva matapos maaresto ito sa panggagahasa umano sa anak ng kanyang live-in partner noong nakaraang taon.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni da Silva at sa sandaling mapatunayang guilty ito ay mahaharap siya sa parusang kamatayan.

Dinala kahapon ng Parañaque City police ang dating matinee idol sa Antipolo City Jail.

Inakusahan si da Silva na anim na ulit nitong ginahasa sa loob ng isang motel ang dalagitang anak ng kanyang live-in partner na si Marilyn Paz.

Nagsampa ng reklamo ang dalagita na ngayon ay nasa pangangalaga ng DSWD laban sa dating matinee idol sa korte hanggang sa magpalabas ng warrant of arrest si Antipolo RTC Judge Ruth Santos ng Branch 72 laban kay da Silva.

Kinasuhan din ng pagiging pabayang ina ang live-in partner ni da Silva.

Si da Silva ay naging kontrobersyal matapos maging girlfriend nito si Miss World 2nd Princess Ruffa Gutierrez na ikinasal kamakailan sa kanyang Turkish boyfriend. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments