Granada sumabog: 3 patay, mag-ina grabe
April 3, 2003 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Tatlo-katao ang iniulat na nasawi, samantala, malubhang nasugatan ang mag-ina makaraang sumabog ang napulot na rifle grenade sa mga kalalakihang nag-iinuman ng alak sa Barangay Pulong Yantok, Angat, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Felizardo Serapio Jr., Bulacan police director, nakilala ang mga biktima na sina Mario Nicolas, 47; Jose Lamorena, 50 at Victor dela Cruz, 52, pawang may asawa at residente ng nabanggit na barangay.
Samantala, ang mag-inang nasa kritikal na kondisyon dahil sa tama ng shrapnel sa katawan ay nakilalang sina Flordeliza dela Cruz, 50 at Jennifer, 8-anyos.
Batay sa ulat ng pulisya, kasalukuyang nag-iinuman ng alak ang mga biktimang nasawi kasama ang ilang kaibigan bandang alas-7:30 ng gabi nang magyabang ang isa na may napulot siyang rifle grenade.
Ipinatong ang rifle grenade sa mesang pinag-iinuman ng alak ng mga biktima at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang sumabog.
May palagay naman ang mga imbestigador na ang napulot na rifle grenade ay naiwan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) noong nakalipas na ilang araw matapos ang madugong bakbakan ng mga rebelde laban sa mga pulis-Bulacan at tropa ng militar. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended