Asset ng pulisya tinodas
April 3, 2003 | 12:00am
CAINTA, Rizal Pinaulanan ng bala hanggang sa mapatay ang isang taxi driver na itinuturong asset ng pulisya matapos na tambangan ng dalawang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang lulan ng minamaneho nitong FX taxi sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Supt. Renato Quintana, Chief of Police ng Cainta, ang biktima na si Ringo Ramos, 35 at naninirahan sa #13 Dagot St., Quezon City.
Ayon kay SPO2 Carlos Atanacio Jr., hepe ng Criminal Investigation Unit ng nasabing himpilan, naganap ang krimen dakong alas-8:45 ng gabi kamakalawa sa kahabaan ng V.V. Soliven I St., Brgy. San isidro, Cainta ng naturang lalawigan habang minamaneho ng biktima ang FX taxi (PXT-667).
Papauwi na umano ang biktima nang biglang sumulpot sa dilim ang dalawang rebelde at sabay-sabay itong nagpaputok.
Matapos na mapaslang ang kanilang target ay parang walang anumang naglakad lamang umano palayo sa lugar ang mga salarin. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended