P2-M pekeng signatured jeans nasabat
April 3, 2003 | 12:00am
LIPA CITY, Batangas Aabot sa P2-milyong pekeng jeans ang iniulat na nasabat ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang salakayin ang isang pabrika sa Barangay Pusil sa lungsod na ito kahapon ng umaga.
Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Batangas City Regional Trial Court Judge Paterno Tac-an, Branch 84, sinalakay ng NBI intelligence team ang pabrika na pag-aari ng mag-asawang Ricky at Lolita dela Cruz.
Nakumpiska ang may 1,000 pirasong pekeng jeans, ibat ibang uri ng tatak ng mga sikat na pangalan ng pantalon, mga sewing machine at gamit sa paggawa ng pekeng jeans.
Ayon pa sa ulat ng NBI, ang mag-asawang suspek ay may pito pang pabrika sa nabanggit na barangay na responsable sa pamemeke ng mga sikat na pangalan ng pantalon katulad ng Guess, Levis, Jag, Lee, Marlboro Jeans, Dickies at Diesel.
Sinaksihan naman ni Tony Valiarta, tumatayong trademark investigator ng Guess jeans corporation ang isinagawang pagsalakay bandang alas-9:30 ng umaga.
Gayunman, sinabi ni Valiarta na ang nadiskubreng pagawaan ng mga pekeng pantalon ay naapektuhan ang mga lehitimong manufacturer partikular ang inferior quality. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 11 hours ago
By Doris Franche-Borja | 11 hours ago
By Cristina Timbang | 11 hours ago
Recommended