Sulyap Balita
April 2, 2003 | 12:00am
Walang buhay na bumagsak sa sementadong kalsada ang biktimang si Pedro Aguirre, 50, may asawa ng nabanggit na barangay.
Hindi naman nakilala ang killer na agad tumakas matapos isagawa ang krimen bandang alas-8 ng gabi na pinaniniwalaang may matinding galit sa biktima. (Efren Alcantara)
Idineklarang patay sa ospital si Walter Alawin, binata ng Balintawak, Quezon City, samantala, ang suspek na nakilalang si Herman Aganon ng Libis, Caloocan City ay agad na sumuko sa pulisya matapos barilin ang biktima dakong alas-2 ng madaling-araw.
Napag-alaman sa ulat ni PO3 Julio Perez Jr., namataan ng suspek na ang biktima ay nakikipag-usap sa dating live-in at sinusuyong makipagbalikan na, ngunit nairita ang babae kaya umentra ang utol nito saka binoga ang lalaki na pinaniniwalaang lango sa droga. (Cristina G. Timbang)
Hindi na umabot pa ng buhay sa Ramon Magsaysay Hospital ang mga biktimang sina Ricky, 17 at Jetro Atrero, 19, ng Barangay Sinabacan, Candelaria, Zambales, samantala, sumuko naman ang driver ng trak (CFS-419) na si Reynaldo Acosta, 25, ng Sitio Ubat, Barangay Baloganon, Masinloc, Zambales.
Sa ulat ng pulisya, naitala ang aksidente dakong alas-11:20 ng umaga matapos mag-overtake ang sinasakyang motorsiklo ng mag-pinsan sa sinusundang trak hanggang sa maganap ang aksidente. (Erickson Lovino)
Ang biktima na inakalang asset ng militar at ng pulisya ay nakilalang si Leonardo Durana, binata ng nabanggit na barangay.
Napag-alaman sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang karahasan dakong alas-9 ng gabi nang lapitan ng tatlong rebelde ang biktima saka itinumba at palakad na lumayo sa pinangyarihan ng krimen na animoy walang nangyari. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended