Kinilala ni Dr. Myra Trongcoso, municipal health officer ng Catarman ang mga biktimang sina Myla Londero, 2; Michael Londero, 11; Maricar Solomon, 7; Orio, 3; Marilyn Londero, 3; Juane Igbuhay, 5; Ever Cardenas, 7, Maria Laou Lourdes Cardenas at dalawang anak ni Onggit Tolitol na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Pansamantalang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan ng mga biktimang inoobserbahan sa ospital simula nang sumulpot ang tigdas noong Enero hanggang Marso. (Ulat ni Miriam Garcia Desacada)