^

Probinsiya

Lover ni misis tinodas ni mister

-
LUCENA CITY, Quezon – May posibilidad na matinding selos ang umiral para saksakin hanggang sa mapatay ang isang traysikel driver ng kanyang kabaro sa panulukan ng Profugo at Abellanosa Street sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Quezon Memorial Hospital si Cresenciano Par, 22, binata ng Purok Tulungan Landing, Barangay Ibabang Iyam ng naturang lugar.

Samantala, ang suspek na nakilalang si Diosdado Banbe ay agad na tumakas matapos ang krimen dakong alas-9 ng gabi.

Ayon kay SPO1 Renato Pelobello, patraydor na nilapitan ng suspek ang biktima saka inundayan ng sunud-sunod na saksak sa likurang bahagi ng katawan.

Nabatid pa na nadiskubre sa wallet ng biktima ang love letter mula sa isang alyas na grace na pinaniniwalaang asawa ng suspek.

Bago pa maganap ang krimen ay nauulinigan na ng suspek ang kumakalat na balitang may relasyon ang biktima sa kanyang asawa.

Hndi nito pinansin ang balita hanggang sa mairita sa mga naririnig na kuwentuhan ng kanyang kapwa traysikel drayber kaya napilitang isagawa ang krimen. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

ABELLANOSA STREET

AYON

BARANGAY IBABANG IYAM

BINAWIAN

CRESENCIANO PAR

DIOSDADO BANBE

PUROK TULUNGAN LANDING

QUEZON MEMORIAL HOSPITAL

RENATO PELOBELLO

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with