Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Rene Roa, may-ari ng Mabini Lodge; Lucio Bantoc at Loreta Cosal habang nilalapatan naman ng lunas sa Northern Mindanao Medical Center ang hindi pa nakilalang bata.
Sa inisyal na ulat, pasado alas 3:00 ng madaling araw nang magsimulang kumalat ang apoy sa nasabing lodging inn na matatagpuan sa Mabini Avenue ng naturang lungsod.
Napag-alaman na mayroon umanong di pa nakilalang lovers na nag-check-in dito kung saan ay nag-away ang mga ito hanggang sa magbatuhan at aksidenteng tamaan ang ilaw sa kanilang tinutuluyang silid na siyang pinagmulan ng sunog na mabilis na kumalat.
Agad namang naapula ang apoy makalipas ang isa at kalahating oras nang magresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang nangyaring sunog. (Ulat ni Danilo Garcia)