^

Probinsiya

3 katao natusta; 1 pa kritikal

-
Camp Crame – Tatlo katao ang nasawi habang isa pang bata ang nasa kritikal na kondisyon makaraang matupok ng apoy ang isang lodging inn dahilan sa pag-aaway ng magsing-irog sa loob ng kanilang kuwarto kahapon ng madaling araw sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Rene Roa, may-ari ng Mabini Lodge; Lucio Bantoc at Loreta Cosal habang nilalapatan naman ng lunas sa Northern Mindanao Medical Center ang hindi pa nakilalang bata.

Sa inisyal na ulat, pasado alas 3:00 ng madaling araw nang magsimulang kumalat ang apoy sa nasabing lodging inn na matatagpuan sa Mabini Avenue ng naturang lungsod.

Napag-alaman na mayroon umanong di pa nakilalang ‘lovers’ na nag-check-in dito kung saan ay nag-away ang mga ito hanggang sa magbatuhan at aksidenteng tamaan ang ilaw sa kanilang tinutuluyang silid na siyang pinagmulan ng sunog na mabilis na kumalat.

Agad namang naapula ang apoy makalipas ang isa at kalahating oras nang magresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang nangyaring sunog. (Ulat ni Danilo Garcia)

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

LORETA COSAL

LUCIO BANTOC

MABINI AVENUE

MABINI LODGE

NORTHERN MINDANAO MEDICAL CENTER

ORO CITY

RENE ROA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with