Kinilala ng pulisya ang biktima na si Danilo Flores, driver at residente ng Brgy. Pooc, Sta. Rosa na hindi na umabot ng buhay sa St. James Hospital matapos na tumagos sa puso nito ang isang saksak ng patalim.
Isinailalim naman sa maselang operasyon sa Perpetual Help Hospital si Marivic Rodriguez, 26-anyos, GRO sa Bistro Videoke Bar at umanoy kalaguyo ng mister ng suspek na nagtamo naman ng saksak sa suso.
Agad namang inaresto ng mga awtoridad ang misis ng biktima na kinilalang si Mina Flores na sinampahan ng kasong parricide at frustrated homicide at ngayoy kasalukuyang nakapiit sa Sta. Rosa Police Station.
Base sa imbestigasyon, naitala ang krimen dakong alas-2:30 ng hapon nang matiyempuhan ng suspek ang dalawa na umanoy naglalambingan sa loob ng kanilang sasakyang Hyundai Grace Van na may plakang XDV-762 habang nakaparada sa tapat ng Videoke bar na masinsinang nag-uusap.
Napag-alaman na matagal na umanong tinitiktikan ng suspek ang kanyang mister matapos na isumbong rito ng isa nilang kaibigan na umanoy nambababae. (Ulat ni Ed Amoroso)