Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas 12:30 ng madaling araw nang pasukin ng mga suspek ang tahanan nang mag-asawang Reynaldo at Nelia de Guzman sa Nicolas Compound sa naturang barangay.
Dahil umano sa kaluskos ng tatlong kawatan ay nagising ang mag-asawa, bunsod upang saktan ang mga ito ng mga suspek pati ang pamangkin nilang si Angelie Zenarosa.
Hindi naman nasiraan ng loob ang ginang at habang ginugulpi ng mga suspek ang kanyang asawa ay gumapang ito patungo sa kanilang silid at kinuha ang nakatago ritong baril kung saan ay nabaril ang isa sa mga magnanakaw habang nakatakas ang dalawa pa.
Umaabot naman sa mahigit P 50,000 halaga ng cellphone, mga alahas at cash ang natangay ng mga suspek na ngayoy pakay ng manhunt operations ng mga awtoridad. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)