Empleyado ng munisipyo natodas sa aso
March 30, 2003 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Dahil sa pagkakasalpok sa tumawid na asong gala ay nawalan ng kontrol at panimbang ang nagmomotorsiklong municipal engineer na ikinasawi nito sa kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue kahapon ng madaling-araw sa bayang ito.
idineklarang patay sa Camarines Norte Provincial Hospital si Engr. Gerardo Panotes Jr., may asawa ng Purok 2, Barangay Borabod at empleyado ng munisipyo ng Daet.
Naitala ni SPO4 Aurelio Laborte ang aksidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa kurbadang kalsada ng nabanggit na barangay.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, papauwi na ang biktima sakay ng Honda scooter (EF-4056) nang biglang sumulpot ang asong gala kaya sumalpok ito at nawalan ng kontrol hanggang sa tumilapon ng ilang metro ang biktima bago bumagsak sa sementadong kalsada. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended