^

Probinsiya

Misis nag-sucide dahil sa cellphone

-
CAMP AGUINALDO – Isang 30-anyos na misis na pinaniniwalaang napagalitan ng kanyang mister dahil sa pagpapahiram ng sim card ng cellphone sa kaibigan ang iniulat na nag-suicide kamakalawa ng gabi sa Sitio Igiban, Barangay San Isidro, Taytay, Rizal.

Ang bangkay ng biktimang si Anna Casuco ay nadiskubreng nakabitin sa sariling bahay dakong alas-10 ng gabi.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Manuelito Inosanto, bago maganap ang pangyayari ay kinompronta ng mister na si Salvador Casuco ang kanyang asawa dahil daw sa ipinahiram ng biktima ang sim card ng cellphone kaya hindi makatawag sa kanyang mga kumpare.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na napagsalitaan ng mister ang kanyang misis ng hindi maganda hanggang sa kamuntik pa nitong masampal ang biktima.

Ayon sa pagsisiyasat, labis na dinamdam umano ng biktima ang sinabi ng kanyang mister kaya matapos na umalis ang asawa ay nagdesisyong magbigti gamit ang nylon cord na isinabit sa kisame.

Wala namang iniwang suicide note ang biktima sa kuwarto at patuloy na sinisiyasat ang pangyayari. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANNA CASUCO

AYON

BARANGAY SAN ISIDRO

ISANG

JOY CANTOS

MANUELITO INOSANTO

NAPAG

RIZAL

SALVADOR CASUCO

SITIO IGIBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with