Sa isinumiteng ulat kay ESS-CPD Chief Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, nasabat ang Lorry tanker (CWD-131) na naglalaman ng 8,000 purong krudo dakong alas-4 ng hapon matapos na naispatang papalabas ng Kalakhan entry-exit gate ng nasabing freeport.
Kasabay din na inaresto ng pulisya ang driver ng tanker na si Mario A. Bundang, 43, ng Woodhouse St., Barangay Gordon Heights, Olongapo City dahil walang maipakitang dokumento.
Batay sa inisyal na ulat, ang 8,000 litrong diesel ay binili ng suspek sa hindi pa malamang halaga sa Coastal Petroleum, isang higanteng kumpanya ng langis na nakabase sa Subic Bay Freeport at tanging oil distributor sa loob ng naturang Freeport.
Ang nakumpiskang tanker ay kasalukuyang dinala sa Customs Clearance Area (CCA), kasabay nang pagpapalabas ni Customs Collector Atty. Emelito Villaruz ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa kargamento. (Ulat ni Jeff Tombado)