12 patay sa panibagong atake ng MILF
March 27, 2003 | 12:00am
COTABATO CITY Umaabot sa labindalawa katao kabilang na ang limang rebelde ang iniulat na nasawi sa panibagong paghahasik ng lagim ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang salakayin ang maliit na barangay at harangin ang isang cargo trak sa magkahiwalay na lugar sa North Cotabato at Zamboanga del Norte kamakalawa ng umaga.
Lima sa 12 nasawi ay nakilalang sina Gregorio Cruz, barangay chairman ng Basak, Sibuco, Zamboanga del Norte, Elmer Cuevas, 35; Teofilo Malasarte, 40; isang alyas Arman at isa pang hindi nabatid ang pangalan.
Sa ulat ng militar, sinalakay ng mga rebelde ang Barangay Basak, Sibuco, Zamboanga del Norte bandang alas-7 ng umaga.
Sumiklab naman ang bakbakan sa Purok 1, Barangay New Antique sa bayan ng MLang, North Cotabato noong Miyerkules ng umaga makaraang paulanan ng bomba ng mga rebelde ang ilang kabahayan na ikinasawi ng pitong sibilyan.
Samantala, hinagisan naman ng granada ang bahay ni ARMM Vice Governor Mahid Mutilan sa Cotabato City, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumabit ang granada sa kable ng kuryente at sumabog sa harap ng bahay.
Agad namang nagresponde ang tropa ng militar na nagresulta sa pagkamatay ng limang rebeldeng MILF hanggang sa umatras ang natitirang rebelde patungo sa kagubatan ng nabanggit na lugar. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended