^

Probinsiya

Anak ng trader kinidnap ng Pentagon

-
COTABATO CITY Pinaniniwalaang nagsagawa na naman ng modus operandi ang grupo ng Pentagon kidnap-for-ransom gang makaraang dukutin ang tatlong taong gulang na anak ng negosyante noong Martes ng gabi sa Barangay Dina, Tacurong City.

Sinabi ni Major Julieto Ando, tagapagsalita ng Army’s 6th Infantry Division, kasalukuyang tinutugis ng tropa ng 301st Infantry Brigade ng Philippine Army ang grupo ni Tahir Alonto na tumakas patungo sa Maguindanao tangay ang dinukot na batang si Jasper Jublador.

Si Jasper ay anak ng agricultural trader na naunang hinihingian ng protection money, ngunit hindi nagbigay kaya gumanti sa pamamagitan ng pagkidnap sa bata.

Ayon pa kay Ando, bago maganap ang pangyayari ay nagpanggap na mga magsasaka ang ilang kasapi ng Pentagon saka lumapit sa ama ng biktima para manghingi ng protection money.

Hindi naman pumayag ang ama ng biktima hanggang sa mauwi sa barilan at binalingang kidnapin ang bata saka tumakas patungo sa ikalawang distrito ng Maguindanao.

Napag-alaman sa source ng militar na kumpirmadong si Alonto na may patong na P5-milyon sa ulo ang responsable sa pagdukot sa bata at namataang nakikipagpulong sa ilang opisyal ng MILF sa hangganan ng Pagalungan, Maguindanao at Pikit, North Cotabato noong nakalipas na buwan bago isagawa ang pangyayari. (Ulat ni John Unson)

BARANGAY DINA

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

JASPER JUBLADOR

JOHN UNSON

MAGUINDANAO

MAJOR JULIETO ANDO

NORTH COTABATO

PHILIPPINE ARMY

SI JASPER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with