Ex-SK president binoga

GAPAN CITY, Nueva Ecija – Binaril at napatay ang isang dating presidente ng Sangguniang Kabataan ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nakatayo sa kanyang drug store sa Barangay San Nicolas sa lungsod na ito noong Huwebes ng gabi, Marso 13, 2003.

Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Alfredo M. Alejandria, 27, samantala, ang suspek na naka-camouflage ay tumakas sakay ng motorsiklo matapos isagawa ng krimen dakong alas-7 ng gabi.

Inaalam pa ng mga tauhan ni P/Supt. Benjamin Dela Cruz, hepe ng Gapan City police station ang motibo ng krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments