^

Probinsiya

Tsinoy tiklo sa 1 kilo ng shabu

-
CAMP CRAME – Isang Filipino-Chinese sawmill supervisor ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operations kung saan ay isang kilo ng shabu ang nakumpiska dito sa Bulacan.

Kinilala ni PDEA director Anselmo Avenido ang nadakip na suspect na si Willy Ko, 34, may-asawa at nakatira sa no. 3 Watput St., 4 Kings Townhomes, Abangan Sur, Marilao.

Ayon sa ulat, dakong alas-3 ng madaling-araw ng bumili ng 1 gramo ng shabu ang ahente ng PDEA kay Ko sa kanto ng M. Jacinto St., Paco, Obando.

Nagmayabang umano ang Fil-Chinese na kaya nitong magbenta kahit 1 kilo ng shabu na agad namang nagpakita ng interes ang ahente hanggang sa ilabas ni Ko ang droga mula sa kanyang motorsiklo kaya dinakma agad ito.

Napag-alaman na matagal na umanong sinusubaybayan ng mga awtoridad ang kilos ni Ko na pinaniniwalaang bigtime shabu trafficker sa Bulacan. (Ulat ni Danilo Garcia)

ABANGAN SUR

ANSELMO AVENIDO

BULACAN

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ISANG FILIPINO-CHINESE

JACINTO ST.

KINGS TOWNHOMES

WATPUT ST.

WILLY KO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with