Hepe ng pulisya sinibak sa puwesto

DASMARIÑAS, Cavite – Sinibak na sa puwesto ang hepe ng pulisya ng Dasmariñas, Cavite makaraang hindi nito marekober ang apat sa sampung preso na pumuga noong nakaraang buwan.

Binigyan ng mahabang panahon ni P/Sr. Supt. Roberto Rosales, Cavite provincial police director si P/Supt. Rodolfo Soriano na malambat ang natitirang preso na pumuga pero hanggang sa kasalukuyan ay nakalalaya pa rin.

Pinalitan ni P/Supt. Phodel Sermonia bilang bagong hepe ng pulisya ng Dasmariñas si Soriano na ngayon ay itinalagang hepe ng Intelligence and Investigation na binakante ni Sermonia.

Ang pagkakahirang kay Sermonia ay bunsod na rin ng kagustuhan ni Dasmariñas Mayor Pidi Barzaga para lalong mapalapit ang relasyon ng mga residente sa kapulisan.

Inaasahan din ni Mayor Barzaga na masusugpo ang lumalalang krimen sa nabanggit na bayan. (Ulat ni Rene Alviar)

Show comments