^

Probinsiya

7 katao tiklo sa shabu session

-
DOLORES, Quezon – Pito katao na pinaniniwalaang responsable sa pagpapakalat ng droga ang dinakip ng pinagsanib na puwersa ng 415th Provincial Mobile Group, pulis-Dolores at PNP Quezon Intelligence Section makaraang maaktuhan sa shabu session sa dalawang bahay na sakop ng Barangay Bagong Anyo sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Nakumpiska ang 250 gramo ng shabu sa mga suspek na nakilalang sina Dennis Montierro Ventocilla, 33; Marvin Montierro Lebrea, 33; Anthony Amat Santiago, 22; Melvin Mercado Garcia, 20; Vergel Veloso Montierro, 47; Mapalad Garcia Saliva, 37 at Irene Reyes Salazar, 43 na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Ang pagsalakay sa bahay nina Ventocilla at Salazar ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Ronaldo Ylagan ay batay sa ipinalabas na search warrant ni RTC Judge Virgilio Alfajora.

Isinagawa ang pagsalakay dakong alas-2 ng hapon kasama sina Barangay Chairwoman Remelie Bombane, Barangay Kagawad Nelson Sanchez, Ricardo dela Peña at Eduardo Tapalla, barangay pulis.

Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso sa korte ang mga suspek habang ang mga nakumpiskang droga ay ipasusuri sa Quezon Crime Laboratory para gamiting ebidensiya laban sa kanila. (Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)

ANTHONY AMAT SANTIAGO

BARANGAY BAGONG ANYO

BARANGAY CHAIRWOMAN REMELIE BOMBANE

BARANGAY KAGAWAD NELSON SANCHEZ

CELINE TUTOR

CHIEF INSP

DENNIS MONTIERRO VENTOCILLA

EDUARDO TAPALLA

IRENE REYES SALAZAR

JUDGE VIRGILIO ALFAJORA

MAPALAD GARCIA SALIVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with