Ito ang inihayag kahapon ni North Cotabato Governor Emmanuel Piñol sa ginanap na regular na forum sa Citio Fernandina sa Greenhills, San Juan.
Ayon kay Piñol, dakong alas-5 ng umaga nang salakayin ng mga rebelde ang "Water Reservoir" na matatagpuan sa magubat na bahagi ng Mt. Apo.
Sa inisyal na imbestigayson, pinasabog ng mga rebelde sa pamamagitan ng paglalagay ng bomba ang water pipeline na naging sanhi ng pagkawala ng supply ng tubig sa lungsod at pook.
Aabot naman sa 20,000 residente ang naapektuhan sa pananabotahe ng imbakan ng tubig.
Ilang nagkukubling mga sibilyan ang nakasaksi sa pangyayari, ngunit sa matinding takot na balingan sila ng mga MILF ay hindi nagpakita ang mga ito.
Kaugnay nito, kinondena naman ng opisyal ang patuloy na paghahasik ng terorismo ng MILF sa ibat ibang panig ng rehiyon na aniyay dapat nang gamitan ng kamay na bakal. (Ulat ni Joy Cantos)