^

Probinsiya

Natalong alkalde ng Castillejos iprinoklama ng Comelec

-
CASTILLEJOS, Zambales – Tensyon pa rin ang nangingibabaw sa munisipalidad ng bayang ito makaraang tumanggi pa ring lisanin ang puwesto ni Enrique Magsaysay bilang alkalde sa kabila ng pagpapalabas ng desisyon ng Commission on Election (COMELEC) na si Wilma D. Billman ang lehitimong alkalde.

Sa promulgasyon ng First Division ng Comelec noong nakalipas na Peb. 17, 2003, matapos ang mahigit sa siyam na buwang pagdinig sa kasong kinasasangkutan ng dalawang nabanggit, idineklarang si Billman ang tunay na alkalde ng Castillejos, Zambales.

Sa isinagawang recounting ng Comelec ng unang debisyon, napatunayan na lehitimong nanalo sa pagka-alkalde si Billman matapos makakuha ito ng kabuuang 3,975 mula sa may 14 presinto ng naturang bayan, samantala, si Magsaysay naman ay nakakuha ng 3,595 boto. (Ulat ni Jeff Tombado)

CASTILLEJOS

COMELEC

ENRIQUE MAGSAYSAY

FIRST DIVISION

JEFF TOMBADO

MAGSAYSAY

PEB

TENSYON

ULAT

WILMA D

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with