^

Probinsiya

Music composer tugis sa kasong murder

-
Nagsasagawa na ng malawakang pagtugis ang kapulisan ng Rizal laban sa isang 30-anyos na music composer na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa kanyang live-in partner kamakalawa ng madaling-araw sa Cainta, Rizal.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga tauhan ni P/Chief Supt. Carlito Dimaano sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) upang siguruhing hindi makalalabas ng bansa ang suspek na si Ezra Dave Maling, 30 at green card holder.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na may malakas na koneksyon ang suspek sa isang retiradong police general na residente ng Tanauan, Batangas.

Huling nakitang buhay ang biktimang si Rebeny Graceda, 24, ng 31 Main Street, Phase III, Vista Verde Country Homes, Barangay Sto. Domingo na kumakanta noong Linggo ng hatinggabi.

Ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng kanyang anak na si Alexandra Pauline, limang taong gulang bandang alas-6:45 ng umaga kamakalawa na sakal ng sinturon at may takip ng unan ang mukha na palatandaang pinahirapan muna bago pinaslang ng suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

ALEXANDRA PAULINE

BARANGAY STO

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CARLITO DIMAANO

CHIEF SUPT

EZRA DAVE MALING

JOY CANTOS

MAIN STREET

REBENY GRACEDA

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with