6 sibilyan minasaker ng MILF
March 19, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Anim na sibilyan ang iniulat na minasaker ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang harangin ang sinasakyan ng mga biktima sa Barangay Macasampan, Talayan, Maguindanao kahapon ng umaga.
Isa sa mga biktima ay nakilalang si Teddy Gelfin, samantala, ang lima pang iba ay bineberipika ang pagkikilanlan ng mga awtoridad na rumesponde sa pinangyarihan ng krimen.
Sa ulat ni Major Julieto Ando, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, naitala ang pangyayari bandang alas-5:30 ng umaga matapos na harangin ng mga rebelde ang L300 van sakay ang walong pasahero.
Pinababa lahat ng pasahero ng sasakyan bago kinuha lahat ng mamahaling suot na alahas at gamit, ngunit dalawa sa pasahero ay nakatiyempong tumakas at hindi na inabutan pa ng mga rebelde.
Sa pagkairita ng mga rebeldeng pinamumunuan nina Abdul Wahad, Franco, Talio at Samama Muslim ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang anim na pasahero ng van bago nagsitakas at upang hindi masundan ng tropa ng militar ay pinasabog naman ang poste ng National Power Corporation (NPC) para maging barikada sa kalsada.(Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended