^

Probinsiya

Sangguniang Bayan secretary itinumba

-
STO. TOMAS, Batangas – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang Sangguniang Bayan secretary ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa harap mismo ng kanyang bahay sa A. Bonifacio Street, Poblacion, Barangay Dos sa bayang ito kahapon.

Si Rolando Meer, 52, ay inupakan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang papasok ng kanyang bahay bandang alas12:30 ng tanghali mula sa pinapasukang Sto. Tomas Municipal Hall.

"Nakita naming sumakay yung tatlong tao na may dalang baril sa isang Toyota Corolla na kulay asul", ani ng mga nakasaksi sa krimen na ayaw ipabanggit ang pangalan.

Wala naman lumutang na testigo para sa pagkikilanlan ng mga killer dahil sa takot na madamay, ayon sa pulisya.

Narekober naman ng pulisya ang pitong basyo ng bala ng kalibre. 45 baril sa pinangyarihan ng krimen.

Napag-alaman pa na halos lahat ng municipal councilor ay may galit sa biktima at sinuspinde bilang Sangguniang Secretary ni Sto. Tomas Mayor Armand Sanchez sa pamamagitan ng resolusyong ipinasa ng Sangguniang Bayan.

Nabatid na sa ulat ng pulisya, naging campaign manager ni Mayor Sanchez ang biktima, ngunit dalawang taon na ang nakalipas ay nagsampa ng kaso sa Department of Labor dahil sa hindi pagpapasuweldo sa kanya ng nabanggit na alkalde.

Ayon sa pamilya Meer, huling kinausap ng alkalde si Rolando noong nakalipas na buwan para bayaran ang ilang buwang sahod nito upang iatras ang kaso sa Labor, ngunit nagmatigas ang biktima.(Ulat nina Ed Amoroso, Arnell Ozaeta at Danilo Garcia)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY DOS

BONIFACIO STREET

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF LABOR

ED AMOROSO

MAYOR SANCHEZ

SANGGUNIANG BAYAN

SANGGUNIANG SECRETARY

SI ROLANDO MEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with