^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
5 pumatay sa trader nasakote
PLARIDEL, Bulacan – Limang kalalakihan na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa isang negosyante noong Marso 2002 ang iniulat na nasakote ng pulisya kamakalawa ng hapon sa kani-kanilang bahay sa Barangay Gullanin sa bayang ito.

Sa bisa ng warrant of arrest ni Plaridel Municipal Trial Court Judge Luisito G. Cortez, inaresto ng mga tauhan ni P/Supt. George Torcuator sina Omar Menoza, 24; Fernando Garcia, 22; Romano Villalon, 22, Ronnie dela Cruz, 19 at Albert Sebastian na pawang residente ang nabanggit na barangay.

Ang limang suspek ay responsable sa pagpatay sa pamamagitan ng tadyak, suntok kay Augusto Galvez, 27, noong madaling -araw ng Marso 31, 2002. (Ulat ni Efren Alcantara)
4 tulak tiklo sa drug bust
BINANGONAN, Rizal – Apat-katao na pinaniniwalaang responsable sa pagpapakalat ng shabu sa tatlong bayan sa Rizal ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Darangan sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Nakumpiska ang hindi pa mabatid na gramo ng shabu sa mga suspek na sina Jojo Llagas, Dominador Baños, Ren Arca at Roberto Fermin na pawang residente ng naturang bayan.

Sinabi ni P/Sr. Supt. Carlito Dimaano, police provincial director, ang apat ay tauhan ni Angelo San Pedro na nakapiit ngayon dahil sa pagkakakumpiska ng 200 gramo ng shbau may ilang buwan na ang nakalilipas. (Ulat ni Joy Cantos)
Negosyante nilikida sa Cavite
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 32-anyos na negosyanteng lalaki ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang biglang bumababa sa kanyang kotse sa Barangay Molino Dos, Bacoor, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na nakilala sa kanyang identification card na si Dervin Loyola, may asawa ng Silang, Cavite, samantala, ang mga killer na kasama sa loob ng kotse ng biktima ay mabilis na nagsitakas matapos isagawa ang krimen dakong alas-dos ng madaling-araw.

May teorya ang mga imbestigador na kakilala ng biktima ang mga killer dahil sa kasama sa kotseng Revo (DTH-801) at sunud-sunod- na pinaputukan habang pababa sa kanyang kotse. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
Praning tinodas ng pulis
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Binaril at napatay ang isang may kapansanan sa pag-iisip ng isang bagitong pulis makaraang pumasok ang biktima sa bahay na walang saplot sa katawan sa Modern Village, Barangay Paciano, Rizal kahapon.

Idineklarang patay sa Jose Rizal Memorial Hospital ang biktimang si Teodoro "Teddy" Esturbo, samantala, ang suspek na mabilis tumakas ay nakilalang si PO1 Michael Leal na nakatalaga sa NCRPO sa Bicutan, Taguig.

Ayon kay PO2 Arnold Gazo, pumasok ang praning na biktima sa bahay ni Amelita Luge kung saan ay nandoon ang suspek.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na nairita ang suspek sa biglang pagpasok ng biktima kaya binaril nito bandang alas-2:30 ng hapon saka tumakas sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Ed Amoroso)
Barangay tanod ginilitan ng leeg
LIGAO CITY, Albay – May posibilidad na napagtripang tadtarin nang saksak hanggang sa mapatay ang isang barangay tanod habang palakad na nagbabantay sa kahabaan ng Barangay Palapas at Balanak sa lungsod na ito kamakalawa.

Ang bangkay ni Celso Pulporido, 35, may asawa ng Barangay Balanak ay natagpuan nina Federico Ramos at Monina Pruta na ginilitan ng leeg at duguang nakabulagta sa gilid ng kalsada sa naturang lugar bandang alas-6 ng umaga.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na huling namataan ang biktima na naglalakad sa naturang lugar at pinalalagay na inabangan ng kanyang kaalitan saka isinagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBERT SEBASTIAN

AMELITA LUGE

ANGELO SAN PEDRO

BARANGAY

CAVITE

CENTER

RIZAL

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with