^

Probinsiya

Pulis tinodas sa sabungan

-
CAMP CRAME – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang pulis ng apat na rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nagsasagawa ng paniniktik ang biktima sa loob sabungan na sakop ng Barangay Sta. Lucia, San Luis, Pampanga kamakalawa ng hapon.

Duguang bumulagta ang biktimang si SPO1 Fernan Paculanan ng San Luis municipal police station, samantala, sugatan dahil sa tama ng ligaw na bala ng baril sina Ernesto Ignacio, 65, ng Barangay Sta. Rosario, San Luis at Bartolome Lapuz ng San Jose City.

Sa ulat ng pulis-Pampanga na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang pangyayari bandang alas-4:10 ng hapon sa loob ng sabungan ng Sta. Lucia sa nabanggit na barangay.

Dahil sa may impormasyon nakalap ang biktima sa presensya ng mga rebelde sa loob ng sabungan ay nag-iisang nagsagawa ang paniniktik.

Ngunit lingid sa kaalaman ng biktima ay namataan na siya ng mga rebelde kaya inupakan patalikod ang pulis kaya nagpulasan ang mga tao sa loob ng sabungan.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na mabilis ang promotion ng biktima dahil sa ipinakitang katapangan sa pakikipaglaban sa mga rebelde. (Ulat nina Danilo Garcia /Ric Sapnu)

BARANGAY STA

BARTOLOME LAPUZ

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

ERNESTO IGNACIO

FERNAN PACULANAN

NEW PEOPLE

PAMPANGA

RIC SAPNU

SAN LUIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with