Sinabi ni P/Sr. Supt. Eric Javier, ang nadiskubreng hiwa-hiwalay na materyales ng pampasabog ay inilagay sa pampasaherong taxi jeep at habang papalapit sa police checkpoint ay nagpanakbuhan kaagad ang limang hindi kilalang kalalakihan makaraang mamataan ang mga awtoridad.
Mabilis naman ipinagbigay-alam ng driver na si Timoteo Hadano, 30, sa mga pulis na nagbabantay sa checkpoint sa panulukan ng Bankerohan at Quirino Street.
"Ang pampasabog ay may wiring, explosive powder pero walang power supply para sumabog", ani Javier.
May palagay naman ang mga tauhan ni Javier na ang nadiskubreng bomba ay iniwan makaraang matunugang papalapit sa naturang checkpoint.
Inaalam naman ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang naagapang bomba sa pangyayari sa Davao International Aiport na ikinasawi ng 21-katao noong nakalipas na linggo.
Kasalukuyan naman tumutulong ang mga eksperto sa pampasabog mula sa Australian at US FBI para mapabilis ang paglutas kung may kaugnayan sa al-Qaeda terror network ni Osama bin Laden. (Ulat ni Rose Tamayo)