^

Probinsiya

2 rapist-killer hinatulan ng bitay

-
ANTIPOLO CITY Hinatulan kahapon ng parusang kamatayan ng Antipolo City Regional Trial Court (RTC) ang dalawang lalaki na napatunayang guilty sa kasong panggagahasa at pagpaslang sa isang babae na naganap sa Cainta, Rizal mahigit pitong taon na ang nakalipas.

Sa 21 pahinang desisyon ni Judge Ruth Cruz Santos ng Antipolo City RTC 4th Judicial Region Branch 72, ang mga pinatawan ng bitay ay sina Philip Marquez at Arnold Alondra; pawang residente ng Jansenville Subdivision, Cainta, Rizal.

Kasabay nito, pinawalang sala naman ang dalawa pang akusado na sina Narciso Ibanag at Roderick Macasinag bunga ng kawalan ng ebidensiya na magdidiin sa mga ito sa karumal-dumal na kaso.

Pinagbabayad din ng korte ang mga akusado ng P142,000 sa pamilya ng dalagang biktima na kinilalang si Margie Cana bilang danyos perwisyos.

Base sa rekord ng korte, ang biktima ay brutal na ginahasa at pinaslang ng dalawang akusado matapos itong kaladkarin sa bakanteng lote sa bayan ng Cainta noong Oktubre 10, 1995.

Bagaman itinatanggi ng dalawang akusado ang kaso, positibo namang itinuro ng isang 6-anyos na batang lalaking testigo na nakasaksi sa krimen na pinanigan ng korte.

Samantala, tumibay din ang kaso laban sa mga akusado bunga na rin ng matitibay na ebidensiya na iniharap ng pulisya na nagsagawa ng pagsisiyasat sa krimen.(Ulat ni Joy Cantos)

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY REGIONAL TRIAL COURT

ARNOLD ALONDRA

CAINTA

JANSENVILLE SUBDIVISION

JOY CANTOS

JUDGE RUTH CRUZ SANTOS

JUDICIAL REGION BRANCH

MARGIE CANA

NARCISO IBANAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with