Bakbakan sa Buliok complex, 5 patay
March 12, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nagsagawa nang pagsalakay ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa itinayong military camp para muling bawiin ang nakubkob na Buliok complex na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang sundalo at tatlong rebelde kamakalawa ng umaga sa Pikit, North Cotabato.
Pansamantalang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan ng sundalong nasawi hanggat hndi naabisuhan ang kanilang pamilya, samantala, bineperipika pa ang pagkikilanlan sa mga rebelde.
Sugatan naman sina Cpl. Henry Espanola, S/Sgt. Benjamin Sayco, Pfc. Eduardo Bene at Pfc. Lovie Agan na pawang miyembro ng 6th Infantry Battalion na nakabase sa Buliok complex.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naganap ang pagsalakay ng mga rebelde sa pamumuno ni Kumander Jadji Admad Abdullah ng 105th Guerilla Base Camp bandang alas-5:30 ng umaga.
Naitaboy naman ng tropa ng militar ang mga sumalakay na rebelde sa pag-aakalang may dumarating na back-up na mga sundalo.
Kasunod nito, nilusob naman ng mga rebelde ang Alpha Company ng 6th Infantry Division na nakabase sa Barangay Bagoinged, Pikit na sakop din ng Buliok complex at tumagal ng may isang oras ang palitan ng putukan na ikinasawi ng tatlong sundalo at dalawa naman sa mga rebelde. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest