Barangay chairman, 2 pa dedo sa ambush
March 12, 2003 | 12:00am
LIBON, Albay Tinambangan at napatay ang tatlo-katao kabilang na ang barangay chairman ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang mga biktima ay papauwi sakay ng owner type jeep kahapon ng umaga sa Barangay Talin-Talin sa bayang ito.
Walang buhay na iniwan ang mga biktimang sina Reynaldo Tinog, 52, barangay chairman ng Cagmanaba Oas, Albay; anak nitong si Tyron Tinog, 22, binata at Samson Cervantes, 27, dating SK chairman na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang mga biktima ay nagmula pa sa Barangay Pantao, Libon lulan ng jeep at habang bumabagtas sa kahabaan ng kalsadang lubak-lubak ay tinambangan na ang mga biktima bandang alas-11:30 ng umaga.
Nabatid pa sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, humingi ng tulong ang may-ari ng maliit na tindahan ng motorsiklo para masingil ang pagkakautang ng isang kabarangay.
Hindi naman inakala ni Barangay Chairman Tinog na ang motorsiklong nabili ay ginagamit na ng mga rebelde sa kanilang modus operandi kaya nakarating sa kaalaman ng NPA.
Dito na inabangan ng mga rebelde ang sinasakyang jeep ng mga biktima bago isinagawa ang pananambang. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended