Sulyap Balita
March 11, 2003 | 12:00am
Ang biktima ay itinago sa pangalang Andrea, 22, samantala, ang suspek na si Salvador Dolez, tubong Sorsogon ng nabanggit na barangay ay kaagad namang nadakip ng mga awtoridad.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, naisagawa ang maitim na balak ng suspek bandang alas-12:05 ng tanghali habang naliligo ang biktima.
Hindi na nakuhang makapalag pa ng biktima dahil walang saplot sa katawan at mas malakas ang puwersa ng suspek sa babae.
Kaagad namang ipinagbigay-alam ng biktima sa kinauukulan ang pangyayari kaya mabilis na nadakip ang suspek. (Ulat ni Joy Cantos)
Si Jayson Hoyumpa, estudyante ay napisak na parang kamatis, samantala, ang ama nitong si Segundo, 36, security guard ay nagkabali-bali ang buto sa katawan at kapwa residente ng La Trinidad Subdivision, Trece Martirez City, Cavite.
Sumuko naman ang driver ng Crow Transport Bus (DVM-573) na si Rowell Rocillo, 32, ng Mendez, Cavite matapos ang aksidente na naganap bandang alas-8:05 ng umaga. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
Hindi na nakapalag pa ang suspek na si Sherwin Songalla, tubong Bacolod City at residente ng St. Michael Homes, Barangay Pantok ng naturang lugar.
Nakilala naman ang biktima na si Marvin Pinellad, 25 at security guard ng Kanlaon Security Agency at naka-duty sa Rizal Cement Corporation sa nabanggit na barangay.
Sa pagsisiyasat nina SPO1 Pablo Medina Jr. at PO1 Alvin Millares, nag-ugat ang krimen makaraang ituro ng biktima na ang suspek ang nanutok ng baril sa isang guest relation officer (GRO) na nagreklamo sa himpilan ng pulisya.
Kaya simula noon ay pinagbantaan na ang biktima hanggang isagawa ang pamamaslang. (Ulat ni Joy Cantos)
Kasalukuyang nakapiit ang suspek na si David Sorcherer, 48 at residente ng Upper Carmen ng nabanggit na lalawigan, samantala, ang mga biktima ay itinago sa pangalang Joy, 12 at Michelle, 14, ng naturang lugar.
Napag-alaman sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nakumbinsi ng suspek ang dalawang biktima sa kanilang bahay dahil sa pangakong bibigyan ng salapi.
Naisagawa naman ang maitim na balak sa magkaibang araw at pinagbantaang huwag ipagbibigay-alam sa mga awtoridad ang pangyayari, ngunit hindi naman naikubli ang masamang nagawa ng suspek kaya inaresto ito. (Ulat ni Danilo Garcia)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended