^

Probinsiya

3 patay sa isang kainan

-
HERMOSA, Bataan – Tatlo-katao ang iniulat na napatay sa naganap na duwelo ng barilan sa loob ng kainan sa Barangay Culis sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Romeo Sioson, 50, may asawa, negosyante; Rolando Sabado, 35, may asawa, isang Overseas Pilipino Worker at residente ng Barangay Culis, Hermosa, Bataan at Danilo Mendoza, ng Barangay Tapulao, Orani, Bataan.

Malubhang nasugatan naman si Alfie Layson, 17, ng Barangay Palihan, Hermosa na tinamaan ng ligaw na bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong ala-1 ng madaling-araw sa loob ng Miranda Restaurant sa nabanggit na barangay.

Habang kumakain at nag-iinuman ng alak ang grupo ni Sioson, kasama ang pinsang doktor at driver nito ay dumating ang grupo ni Sabado kasama sina Mendoza, Allan at utol na si Ronillo.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa mga nakasaksi sa pangyayari, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkabilang panig at kaagad na nagbunutan ng baril sabay nagpaputok na ikinasawi ng tatlo.

Nagpulasan naman ang ibang customer upang umiwas sa mga ligaw na bala ngunit tinamaan naman si Layson na ngayon ay inoobserbahan sa ICMC Hospital. (Ulat ni Jonie L. Capalaran)

ALFIE LAYSON

BARANGAY CULIS

BARANGAY PALIHAN

BARANGAY TAPULAO

DANILO MENDOZA

HERMOSA

JONIE L

MIRANDA RESTAURANT

OVERSEAS PILIPINO WORKER

ROLANDO SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with