5 preso pumuga
March 10, 2003 | 12:00am
CAMP NAKAR, Lucena City Limang preso kabilang na ang nasakoteng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang iniulat na nakapuga sa San Francisco, Quezon Municipal Jail kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang mga presong may nakabinbing kaso sa korte na sina Rexmar Doldan, 19, na may kasong pagnanakaw; Engracio Ruben, 20 (homicide); Pedro Rala, 36 (rape); Cristobal Bandonili, 17 (rape) at Darwin Rodas, kasapi ng rebeldeng NPA na may kasong 2 counts ng murder at illegal possession of firearms.
Nalalagay naman sa balag ng alanganing masibak sa puwesto si PO2 Mario delos Reyes kapag napatunayang nagpabaya siya sa tungkulin bilang guwardiya.
Sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Ricardo Padilla, naitala ang jailbreak bandang alas-2 ng madaling-araw matapos na lagariin ng mga preso ang rehas na bintanang bakal bago nagtuloy sa bubungan at nagpulasan sa ibat ibang direksyon.
May palagay ang mga imbestigador na nakatulog ang guwardiya at hindi namalayan ang pagtakas ng mga preso. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest