^

Probinsiya

4 kawal dedo sa ambush ng NPA

-
CAMP AGUINALDO – Apat na kawal ng Philippine Army ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang sakay ng dalawang dyip patungo sa kanilang kampo noong Biyernes ng hapon sa Barangay Cabulao, Mabini, Bohol.

Pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng nasawi habang hindi pa inaabisuhan ang kanilang pamilya.

Base sa ulat ng militar, kasalukuyang sakay ng dalawang dyip ang tropa ng militar mula sa 15th Infantry Battalion nang tambangan ng mga rebelde malapit sa bayan ng Candihay noong Biyernes.

Napag-alaman kay Army Spokesman Col. Nestor Añonuevo na gumanti ng putok ang tropa ng militar na ikinasawi naman ng dalawang rebelde, ngunit binitbit ng kanilang tumakas na kasamahan.

Pinaniniwalaan naman na marami ring nasugatan sa panig ng NPA dahil sa mga patak ng dugo sa direksyon na dinaanan ng mga rebelde.

Ayon pa sa ulat, bago pa nagsitakas ang mga rebelde ay tinangay pa ang apat na M-16 rifles, M203 grenade launcher makaraang matunugang may paparating na mga sundalo.

Sinabi pa ni Añonuevo na unang bugso pa lamang ito sa isinasagawang paghahasik ng lagim ng mga rebelde dahil sa nalalapit na 34th founding anniversary sa Marso 29, 2003. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

APAT

ARMY SPOKESMAN COL

BARANGAY CABULAO

BIYERNES

DANILO GARCIA

INFANTRY BATTALION

NESTOR A

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with