Karpintero binoga ng kumpare
March 9, 2003 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang karpintero makaraang pagbabarilin ng kanyang kumpare dahil sa hindi nakabayad sa inuupahang apartment sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Inoobserbahan sa Amang Rodriguez Hospital si Antonio Ancheta, 39, ng Purok 5, Zone 8, Barangay Cupang dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo at mukha.
Samantala, ang suspek na mabilis na tumakas ay nakilalang si Dionisio Lorico, may-ari ng apartment na inuupahan ng biktima.
Naitala ng pulisya ang krimen dakong alas-7 ng gabi matapos na singilin ng suspek ang kanyang kumpare.
Ngunit walang maibayad kaya humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa maganap ang krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Artemio Dumlao | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Joy Cantos | 3 hours ago
Recommended