^

Probinsiya

Trader dinedo ng dating helper

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Pinagpapalo ng kahoy hanggang sa mapatay ang matandang negosyante ng kanyang dating helper saka pinagnakawan pa sa Barangay Panamitan, Kawit, Cavite kamakalawa ng gabi.

Basag ang bungo ng biktimang si Liberato de Jesus ng Josephine Subdivision ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na si Ronilo Inde ay ninakaw pa ang relos, wallet at cellphone ng matanda bago mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang krimen bandang alas-7 ng gabi makaraang sitahin ng biktima ang suspek dahil nakaistambay sa harap ng kanyang talyer.

Nabatid sa ilang saksi na sinibak sa talyer ang suspek at dumadalaw lamang sa kanyang mga dating kasamahan ngunit sinita ng biktima.

May palagay ang pulisya na napahiya sa mga dating kasamahan sa trabaho ang suspek kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BARANGAY PANAMITAN

BASAG

CAVITE

CRISTINA G

JOSEPHINE SUBDIVISION

KAWIT

LIBERATO

NABATID

PINAGPAPALO

RONILO INDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with