Koreana kalaboso sa estafa at illegal recruitment
March 8, 2003 | 12:00am
Mataas Na Kahoy, Batangas Nasakote ng mga operatiba ng pulisya ang isang Koreana na ipinagharap ng kasong estafa at illegal recruitment sa bayang ito kamakalawa.
Ang suspek na si Jeily Kim, 22 anyos, estudyante at tubong Ban-Po, Seoul, South Korea ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ernesto Reyes ng Regional Trial Court (RTC) ng Pasay City.
Sinabi ni P/Chief Inspector Manuel Manalo, hepe ng Mataas na Kahoy, nagtago umano ang Koreana sa bahay ng kaniyang boyfriend sa Brgy. Lungos sa bayang ito sa loob ng isang Linggo.
Base sa imbestigasyon, umaabot sa milyong piso ang nakolekta ng nasabing dayuhan sa labing-isa katao na nabiktima nito na kaniyang kinolektahan ng tig-P150,000 bawat isa.
Gayunman, nakalaya ang suspek matapos magpiyansa. (Ulat ni Arnel Ozaeta )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest