^

Probinsiya

Barangay Chairman itinumba ng NPA

-
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – Dalawa-katao kabilang na ang barangay chairman ang iniulat na nasawi, samantala, tatlong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa harap ng Barangay Camp Tinio Hall sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Duguang bumulagta ang mga biktimang sina Rolando "Jack" Pascual, 43, may asawa at Lilibeth Yebes, 33, may asawa ng Block 14, ng nabanggit na barangay.

Nakilala naman ang nasa kritikal na kondisyon na sina Rolando E. Pascual II, 20, binata; Jerome S. Macas, 16 at Myrna E. Camu, 52, may asawa ng Zone 2 ng naturang lugar.

Napag-alaman sa ulat ni P/Supt. Laverne Manangbao, chief of police ng Cabanatuan City, bandang alas-8 ng gabi nang lumabas ng barangay hall ang mga biktima nang biglang huminto ang kotseng kulay puti at bumaba ang apat na hindi kilalang armadong kalalakihan.

Hindi na nagsalita pa ang mga killer at kaagad na niratrat ang mga biktima.

Narekober naman ang kotseng inabandona na ginamit sa pagtakas sa Barangay Bakod-Bayan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY BAKOD-BAYAN

BARANGAY CAMP TINIO HALL

CABANATUAN CITY

CHRISTIAN RYAN STA

JEROME S

LAVERNE MANANGBAO

LILIBETH YEBES

MYRNA E

NEW PEOPLE

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with