Mag-ama na hindi nagbabayad ng utang, pinatay
March 7, 2003 | 12:00am
SARIAYA, Quezon May posibilidad na malaking salapi ang inutang at hindi kaagad nabayaran ang naging dahilan para pagbabarilin hanggang sa mapatay ang mag-ama ng dalawang kapitbahay habang ang mga biktima ay nagbibisikleta papauwi sa Barangay Lutucan sa bayang ito kamakalawa ng umaga.
Binistay ng bala ng baril ang katawan nina Florencio Armamento, 33 at Erica, dalawang taong gulang at residente ng nabanggit na barangay.
Nakilala naman ng mga nakasaksi sa krimen ang mga suspek na sina Charlie Driz at Jonathan Arellano ng Barangay Guis-guis sa bayang ito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naitala ang krimen bandang alas-nuwebe ng umaga habang nagbibisikletang namamasyal ang mga biktima.
Natiyempuhan naman ng mga suspek ang matandang Armamento kaya isinagawa ang krimen pero nadamay ang anak nito.
Napag-alaman pa ng pulisya na pinagbabantaan na ang biktima ng mga suspek tungkol sa malaking salapi na hiniram nito at hindi pa nabayaran kaya marahil nairita ang dalawa at isinagawa ang krimen. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended