^

Probinsiya

7 minasaker ng MILF rebels

-
Pitong civilian volunteers ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF), samantala, nabihag naman ang pitong kawal ng Phil. Army nang salakayin ng mga rebelde ang tahimik na barangay sa bayan ng Tubod kahapon ng umaga sa Lanao del Norte.

Sa inisyal na ulat ng militar, naganap ang pagsalakay ng 303rd Brigade ng rebeldeng MILF sa pamumuno ni Abdurahman Macapaar bandang alas-6:25 ng umaga sa Barangay Bualan, Tubod, Lanao del Norte. Agad pinaputukan ng mga rebelde ang mga residenteng naabutan.

Kinilala ni Col. Francisco Simbajon ang apat sa pitong nasawi na sina Victorinos Burlas, 39; Willie Daomilas, 40; Rofil Daomilas, 15 at Jose Villegas, samantala sugatan naman si Rosino Bunggat, 27, na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Sinalakay rin ng mga ito ang patrol base ng Bravo Company ng 26th Infantry Battalion na binubuo ng dalawang opisyal ng Army at 23 civilian volunteers.

Dito nagkaroon ng mainitang sagupaan nang ipagtanggol ng mga militar ang kanilang kampo.

Umatras lamang ang mga rebelde ng rumesponde na ang mga elemento ng 41 Infantry Division para tulungan ang mga sundalong inatake.

Bago tumakas ang mga rebelde, sinabi pa ng mga ito na apat pang bayan sa naturang lalawigan ang kanilang sasalakayin dahil sa matinding pagsuporta ng mga ito sa militar.

Dakong alas-6:45 naman ng umaga kahapon nang salakayin ng mga rebelde sa pamumuno ni Kumander Topsider ang kampo ng Delta Company ng 26th Infantry Battalion sa Tingin-tingin, Kauswagan ng nasabing lalawigan. (Ulat nina Danilo Garcia at Bong Fabe)

vuukle comment

ABDURAHMAN MACAPAAR

BARANGAY BUALAN

BONG FABE

BRAVO COMPANY

DANILO GARCIA

DELTA COMPANY

FRANCISCO SIMBAJON

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with