Ang mga bangkay ng rebelde ay dinala sa harapan ng munisipyo ng San Narciso para kilalanin ng kanilang kaanak.
Base sa ulat ni Southern Luzon Command (SOLCOM) Chief Major General Roy Kyamko, naitala ang sagupaan bandang alas-5:30 ng umaga habang nagpapatrolya ang tropa ng 74th Infantry Battalion ng Phil. Army (PA).
Tumagal ng may isang oras ang bakbakan hanggang sa bumulagta ang tatlong rebelde, samantala, tatlo pang ibang rebelde ang kritikal na nasugatan habang sa panig ng militar ay sina M/Sgt. Richard Catipay at Pfc. Charlemagne Basilio.
Nagpulasan ang mga rebelde matapos na mamataang tumimbuang na ang tatlo nilang kasamahan at nagsitakas sa ibat ibang direksyon sa naturang kagubatan.
Hindi naman tinantanan ng tropa ng militar ang pagtugis sa mga rebelde patungo sa Bondoc Peninsula area. (Ulat nina Tony Sandoval, Celine Tutor at Arnell Ozaeta)