^

Probinsiya

NPA vs militar: 3 patay, 3 grabe

-
CAMP NAKAR, Lucena City - Tatlong rebeldeng New People’s Army (NPA) ang iniulat na nasawi, samantala, tatlo pa ang malubhang nasugatan makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa pagitan ng hangganan ng Barangay White Cliff, San Francisco at San Andres malapit sa bayan ng San Narciso, Quezon kahapon ng umaga.

Ang mga bangkay ng rebelde ay dinala sa harapan ng munisipyo ng San Narciso para kilalanin ng kanilang kaanak.

Base sa ulat ni Southern Luzon Command (SOLCOM) Chief Major General Roy Kyamko, naitala ang sagupaan bandang alas-5:30 ng umaga habang nagpapatrolya ang tropa ng 74th Infantry Battalion ng Phil. Army (PA).

Tumagal ng may isang oras ang bakbakan hanggang sa bumulagta ang tatlong rebelde, samantala, tatlo pang ibang rebelde ang kritikal na nasugatan habang sa panig ng militar ay sina M/Sgt. Richard Catipay at Pfc. Charlemagne Basilio.

Nagpulasan ang mga rebelde matapos na mamataang tumimbuang na ang tatlo nilang kasamahan at nagsitakas sa iba’t ibang direksyon sa naturang kagubatan.

Hindi naman tinantanan ng tropa ng militar ang pagtugis sa mga rebelde patungo sa Bondoc Peninsula area. (Ulat nina Tony Sandoval, Celine Tutor at Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY WHITE CLIFF

BONDOC PENINSULA

CELINE TUTOR

CHARLEMAGNE BASILIO

CHIEF MAJOR GENERAL ROY KYAMKO

INFANTRY BATTALION

LUCENA CITY

NEW PEOPLE

SAN NARCISO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with