^

Probinsiya

Mayor, 17 iba pa kinasuhan sa Ombudsman

-
LUCENA CITY – Pormal na kinasuhan noong Biyernes ang alkalde ng lungsod na ito kasama pa ang labimpitong iba pa dahil sa maanomalyang computerization project ng lokal na pamahalaan.

Sa joint complaint-affidavit na isinampa nina Vice Mayor Roderick Alcala; Godofredo Faller, Simon Aldovino, Nicanor Pedro at Salome Dato na pawang councilor kay Atty. Rhodora Fenix-Garcia, graft investigation officer ng Ombudsman ay ginawang legal counsel naman ni Alcala at mga konsehal si dating Solicitor-General Francisco Chavez.

Ang mga kinasuhan sa paglabag sa Anti-Graft and Corruption Practices Act ay sina Mayor Ramon Talaga Jr., Rosario Victorino, city accountant; Ester Matibag, budget officer; Ofelia Garcia, planning and development officer; Merciditas Capulong, asst. city treasurer; Danilo Cada, general services officer at mga konsehal na sina Romano Franco Talaga, Wilfredo Asilo, Buena Lequin, Danilo Zaballero, Philip Castillo, Victor Paulo, Aurora Garcia at Leslie Roxas.

Kabilang din sa kinasuhan ay sina Rodercik Abella, Frances Pelobello, Dennis Peter Lopinac at Matias Soriano na pawang kasapi ng Technical Evaluation Committee on computerization project.

Sa pahayag naman ni Mayor Talaga Jr., inaasahan na niya ang gagawing hakbang ng panig ni Vice Mayor Alcala. "Mas mabuti na anya ito para malaman ng publiko kung sino sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan", dagdag pa ni Mayor Talaga Jr. (Ulat ni Tony Sandoval)

ANTI-GRAFT AND CORRUPTION PRACTICES ACT

AURORA GARCIA

BUENA LEQUIN

DANILO CADA

DANILO ZABALLERO

DENNIS PETER LOPINAC

ESTER MATIBAG

FRANCES PELOBELLO

GODOFREDO FALLER

LESLIE ROXAS

MAYOR TALAGA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with