^

Probinsiya

4 pulis kritikal sa ambush ng NPA

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Apat na alagad ng batas mula sa Magallanes police station kabilang na ang kanilang hepe ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang sakay ng mobile car at bumabagtas sa kahabaan ng Barangay Talipusngo sa hangganan ng Magallanes at Maragondon, Cavite kahapon.

Nasa San Lorenzo Hospital ang mga biktimang sina P/Insp. Mamerto Malubay, Magallanes chief of police; SPO1 Ronaldo Ebeya, SPO1 Renato Bergado at PO1 Ronald Manalo.

Sa inisyal na ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Roberto Rosales, provincial police director, naitala ang pananambang dakong ala-1:30 ng hapon habang patungo ang mga biktima sa Maragondon para magsagawa ng operasyon laban sa namataang mga armadong kalalakihan.

Hindi naman inakala ng apat na pulis na inabangan na sila ng mga rebelde kaya naganap ang pangyayari at mabilis namang nagsitakas sa pag-aakalang napatay nila ang mga biktima.

Ayon pa sa ulat, kahit na sugatan ay nakuha pang makapagradyo sa himpilan ng pulisya kaya nasaklolohan ang mga biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BARANGAY TALIPUSNGO

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

MAGALLANES

MAMERTO MALUBAY

MARAGONDON

NASA SAN LORENZO HOSPITAL

NEW PEOPLE

RENATO BERGADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with